Friday, July 15, 2016

Tunay na kaibigan






Sa likod at harap ng kamera,

Makikita samahang tapat,

Di nag-iiwanan sa problema,

Paniniwala sa isa’t-isa ay sapat.



Suportahan ang palaging matututunan,

Nakasiksik sa aking isipan,

Sa lungkot at kasiyahan,

Siguradong nasa likuran.

Biruan at asaran,

Tulakan at sayawan,

Seryosohan at iyakan,

Pero tunay na maaasahan.



Yan ang turingan,

Sa tapat na pagkakaibigan,

Lagging masasandigan,

Pinapangarap ng karamihan.

Saturday, July 2, 2016

Paaralan

Sa pagtapak pa lang sa paaralan,

Kinakabahan sa mundong gagalawan,

Nangangatog mga kalamnan,

Di malaman ang pupuntahan.





Mga bagong kaibigang pakikisamahan,

Sa apat na taong pagsasamahan,

Iba't-ibang ugaling matutuklasan,

Ang kasamaan ay dapat iwasan.





Mga guro ay magiging daan,

Upang talento mapaghusayan,

Mahasa sa napiling larangan,

Upang sa reyalidad ay maaasahan.





Ngayon pasasalamat ang pabaon,

Sa munting panahong inilagi,

Makakaramay sa anumang hamon,

Sa tahanang naging malaking bahagi.

Panimula

Paano nga ba sisimulan ito,

Upang kayo ay bumalik dito,

Sa mga taong di sanay sa kwento,

At sa mga tulang katulad nito.



Sukat at tugma ang kaylangan ko,

Upang ang mga salita ay nasa tono,

Na hinugot pa sa mga kwaderno,

Nong nag-aaral pa sa kolehiyo.



Kung inyong mamarapatin,

Malimit sa ganitong gawain,

Hilig kong mga sulatin,

Ilimbag sa mga babasahin.



Ktapusan nito'y sa inyo iiwan,

Kung inyong gustong balikan,

Maraming salamat anuman ang kahihinatnan,

Sa kahit na anong desisyong pinag-isipan.