While you wake up today, someone is breathing their last breath. Thank God for another day. Don't waste it.
Wednesday, November 16, 2016
Wednesday, August 3, 2016
Maskara
Nagtatago sa likod ng maskara,
Nagkukubling mga luha sa mata,
Nagbabadyang pumatak,
Na maaaring sayo’y tumatak.
Patuloy bang ililihim?
Ang mga takot sa damdamin,
Sa tuwing suot ang maskara,
Na gusto lang makita.
Nais lang damhin,
Sigaw ng damdamin,
Totoong mga hinaing.
Iingatang malaman,
Sa likod ng masayang mukha,
Dahilan ng kalungkutan,
Sa tangan na maskara.
Nagkukubling mga luha sa mata,
Nagbabadyang pumatak,
Na maaaring sayo’y tumatak.
Patuloy bang ililihim?
Ang mga takot sa damdamin,
Sa tuwing suot ang maskara,
Na gusto lang makita.
Nais lang damhin,
Sigaw ng damdamin,
Totoong mga hinaing.
Iingatang malaman,
Sa likod ng masayang mukha,
Dahilan ng kalungkutan,
Sa tangan na maskara.
Friday, July 15, 2016
Tunay na kaibigan
Sa likod at harap ng kamera,
Makikita samahang tapat,
Di nag-iiwanan sa problema,
Paniniwala sa isa’t-isa ay sapat.
Suportahan ang palaging matututunan,
Nakasiksik sa aking isipan,
Sa lungkot at kasiyahan,
Siguradong nasa likuran.
Biruan at asaran,
Tulakan at sayawan,
Seryosohan at iyakan,
Pero tunay na maaasahan.
Yan ang turingan,
Sa tapat na pagkakaibigan,
Lagging masasandigan,
Pinapangarap ng karamihan.
Saturday, July 2, 2016
Paaralan
Sa pagtapak pa lang sa paaralan,
Kinakabahan sa mundong gagalawan,
Nangangatog mga kalamnan,
Di malaman ang pupuntahan.
Mga bagong kaibigang pakikisamahan,
Sa apat na taong pagsasamahan,
Iba't-ibang ugaling matutuklasan,
Ang kasamaan ay dapat iwasan.
Mga guro ay magiging daan,
Upang talento mapaghusayan,
Mahasa sa napiling larangan,
Upang sa reyalidad ay maaasahan.
Ngayon pasasalamat ang pabaon,
Sa munting panahong inilagi,
Makakaramay sa anumang hamon,
Sa tahanang naging malaking bahagi.
Kinakabahan sa mundong gagalawan,
Nangangatog mga kalamnan,
Di malaman ang pupuntahan.
Mga bagong kaibigang pakikisamahan,
Sa apat na taong pagsasamahan,
Iba't-ibang ugaling matutuklasan,
Ang kasamaan ay dapat iwasan.
Mga guro ay magiging daan,
Upang talento mapaghusayan,
Mahasa sa napiling larangan,
Upang sa reyalidad ay maaasahan.
Ngayon pasasalamat ang pabaon,
Sa munting panahong inilagi,
Makakaramay sa anumang hamon,
Sa tahanang naging malaking bahagi.
Panimula
Paano nga ba sisimulan ito,
Upang kayo ay bumalik dito,
Sa mga taong di sanay sa kwento,
At sa mga tulang katulad nito.
Sukat at tugma ang kaylangan ko,
Upang ang mga salita ay nasa tono,
Na hinugot pa sa mga kwaderno,
Nong nag-aaral pa sa kolehiyo.
Kung inyong mamarapatin,
Malimit sa ganitong gawain,
Hilig kong mga sulatin,
Ilimbag sa mga babasahin.
Ktapusan nito'y sa inyo iiwan,
Kung inyong gustong balikan,
Maraming salamat anuman ang kahihinatnan,
Sa kahit na anong desisyong pinag-isipan.
Upang kayo ay bumalik dito,
Sa mga taong di sanay sa kwento,
At sa mga tulang katulad nito.
Sukat at tugma ang kaylangan ko,
Upang ang mga salita ay nasa tono,
Na hinugot pa sa mga kwaderno,
Nong nag-aaral pa sa kolehiyo.
Kung inyong mamarapatin,
Malimit sa ganitong gawain,
Hilig kong mga sulatin,
Ilimbag sa mga babasahin.
Ktapusan nito'y sa inyo iiwan,
Kung inyong gustong balikan,
Maraming salamat anuman ang kahihinatnan,
Sa kahit na anong desisyong pinag-isipan.
Saturday, June 25, 2016
Pagpatawad
Nakalipas ko'y tinakasan
Dahil sa kanyang kasalanan
Iniwasan at ayaw matingnan
Pagkat sa tuwi'y nasasaktan.
Galit sa kanya ay nanatili
Mahabang panaho'y naging malupit
Sinabi sa sarili, di na mauulit
Ang masaktan nyang muli.
Pero sawa ng magalit
Gusto na ring manahimik
Kalimutan ang galit
At ang takot sa kanya kapag lalapit.
Nawalang pagkakaibigan, ibalik sa dati
Para makahinga ng maluwag na muli
Sana maging maayos na ang turingan
Upang bumuo ng bagong samahan.
Dahil sa kanyang kasalanan
Iniwasan at ayaw matingnan
Pagkat sa tuwi'y nasasaktan.
Galit sa kanya ay nanatili
Mahabang panaho'y naging malupit
Sinabi sa sarili, di na mauulit
Ang masaktan nyang muli.
Pero sawa ng magalit
Gusto na ring manahimik
Kalimutan ang galit
At ang takot sa kanya kapag lalapit.
Nawalang pagkakaibigan, ibalik sa dati
Para makahinga ng maluwag na muli
Sana maging maayos na ang turingan
Upang bumuo ng bagong samahan.
Subscribe to:
Posts (Atom)